Posted September 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang lalaking vendor ng pearl at monopod sa Boracay ang
nanlaban sa ilang miyembro ng Municipal Auxiliary Police (MAP) kaninang umaga.
Base sa police report ng Boracay PNP, nangyari ang
insidente dakong alas-9 ng umaga kung saan dalawang MAP member ang nagreklamo
sa kanilang tanggapan na kinilalang si Gerve Casidsid at Arjay Villasanta na parehong
residente ng isla ng Boracay.
Nabatid na habang nasa duty ang dalawang MAP sa
beachfront station 2 isang lalaki ang kanilang naaktuhang nagbibinta ng
nasabing paninda na walang Mayor’s permit at nilalabag ang municipal ordinance
ng bayan ng Malay.
Dahil dito agad nilang sinita ang suspek at dinala sa MAP
Command center sa nasabing ring lugar para isyuhan ng citation ticket, ngunit
mabilis itong nakatakas habang dala-dala ang kanyang mga kinumpiskang paninda.
Agad naman itong nahuli ni Casidsid ngunit ayaw nitong
ibigay ang kanyang paninda rason para humingi rin siya ng tulong sa kapwa niya
vendor.
Napag-alaman na dahil sa tila maraming tumulong sa vendor
ay mabilis namang tinawag ng MAP ang kanyang mga kasama kabilang na ang
pagtawag ng mga pulis para rumispondi sa kaguluhan.
No comments:
Post a Comment