Posted September 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malaki ang tiwala ng Sangguniang Bayan (SB) Malay
sa operasyon ng electric tricycle (e-trike) ng Gerweiss Motors Corporation sa
isla ng Boracay.
Katunayan, ang e-trike ng Gerweiss ang pinili ng
Local Government Unit (LGU) Malay na maging standard ng lahat ng kumpanya ng
e-trike na papasok sa isla.
Nabatid na ang e-trike ng Gerweiss ay kumportableng
sakyan ng mga pasahero dahil sa tamang espasyo at sukat nito kumpara sa ibang
e-trike sa isla.
Ngunit sa kabila nito hindi parin ngayon
naaprobahan sa SB Malay ang resolusyon na nagpapatibay sa mga alituntunin at
patakaran sa akreditasyon ng electric tricycle (e-trike) supplier at seller sa
bayan ng Malay.
Napag-alaman na noong nakaraang Session ng Malay ay
nasa ikalalawang pagbasa na ito ngunit nitong Martes ay hindi ito natalakay
dahil sa pasamantalang kinansela ang nasabing session.
Samantala, karamihan sa mga bumibiyaheng e-trike
ngayon sa isla ay pagmamay-ari ng Gerweiss Motors Corporation na nagmumula pa
sa Maynila.
No comments:
Post a Comment