Posted September 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigit tatlong libong kabataan ang nabakunahan ng
Municipal Health Office (MHO) Malay kontra sa Measles-Rubella at Oral Polio sa
isla ng Boracay.
Ito’y matapos na ilunsad ng Department of Health (DOH)
ang Mass Immunization sa buong bansa nitong buwan ng Setyembre para
mapangalagan ang mga kabataan kontra measles o tigdas.
Sa isinagawang immunization ng MHO sinuyud ng mga ito ang
bawat baranggay at sitio sa Boracay simula noong unang araw ng Setyembre
hanggang nitong araw ng Miyerkules kung saan nakapagbakuna sila ng 3, 617 na
mga kabataan.
Nabatid na maraming mga magulang sa isla ang pinabakunahan
ang kanilang mga anak na may edad siyam na buwan hanggang 59 na buwan para sa
Measles Rubella (MR) vaccine.
Samantalang ang Oral Polio Vaccine (OPV) ay ibinigay sa
mga bagong anak na sanggol hanggang 59 buwan ang edad.
Napag-alaman na may iilang lugar pa sa Boracay ang
binalikan ng mga nurse ng MHO kahapon para sa mga hindi pa nabakunahan kontra
sa paglaganap ng nasabing sakit.
No comments:
Post a Comment