Posted September 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Reaksyon at suhestiyon ito ng isa sa mga operator
ng island activity sa isla ng Boracay kaugnay ng patuloy na paghingi umano ng
deposit ng mga illegal na komisyoner sa turista partikular ang mga nagna-night
market o ang mga nang-aalok ng activities sa gabi.
Ayon sa hindi na pinangalanang source, may mga MAP
o Municipal Auxiliary Police namang nag-iikot o nagbabantay sa isla kahit gabi.
Subali’t kailangan parin umanong gumamit ng kamay
na bakal ang LGU Malay sa pagpapatupad ng unified rates sa mga sea at water
sports activities upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga turista.
Samantala, ilang turista na rin ang nagreklamo sa
Boracay PNP matapos umanong hingan ng deposit at takasan ng komisyoner kung
kaya’t nagkasundo ang mga sea at water sports operators sa isla na magkaroon ng
unified rates.
No comments:
Post a Comment