Posted September 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos na ipinaliwag ng Department of Labor
and Employment (DOLE) Aklan sa mga manggawa lalo na sa isla ng Boracay ang mga
kaalaman na ito sa pamamagitan ng kanilang Orientation Seminar.
Ayon kay DOLE Aklan Provincial Head Vidiolo
Salvacion, kabilang sa kanilang mga ipinaliwanag sa mga manggawa ang kanilang
karapatan sa mga holiday pay, rest day pay at overtime pay.
Samantala, maliban sa mga isinasagawang orientation
seminar ay mayroon ding inilabas ang DOLE na Handbook on Workers’ Statutory
Monetary Benefits sa Filipino.
Ayon sa DOLE, ang 73-pahinang manual ay bahagi ng
inisyatibo ng ahensya na paigtingin ang information dissemination program nito
upang mabawasan ang labor-related abuses sa bansa.
Ito umano ang unang pagtatangkang maisalin ang
20-anyos na English Labor Handbook, na naglalaman ng mga statutory monetary
benefit mula sa minimum wage hanggang sa incentive leave sa katutubong wika.
Ang mga manggagawa naman ay maaaring makakuha ng
kopya ng handbook sa opisina ng Bureau of Working Condition (BWC) o magtungo sa
tanggapan ng DOLE.
No comments:
Post a Comment