Posted September 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang nakikitang paraan ng Department of Tourism (DOT)
regional office matapos na magkansila ang mga Chinese tourist ng kanilang room
bookings sa Boracay at cancellations ng International flights mula China
papuntang Kalibo International Airport dahil sa travel ban.
Ayon kay DOT Regional.Director. Helen J. Catalbas, hinihiling
umano nito sa mga Aklanon sa buong mundo at sa kanilang mga kaibigan at
kamag-anak na merong Facebook at Twitter account na mag post ng magagandang
larawan ng isla ng Boracay na may detalye ng discounted transportation at room
rates para matulungan ang tourism industry na pinagmamalaki ng probinsya.
Aniya, kung maagang magagawa ang pagkilos para dito ay
mas maaga ding magagawang pigilin ang kanselasyon ng mga turista upang mapanatili
ang negosyo sa isla sa kabila ng nangyayari ngayon na kung saan ay inaasahan
din umano nitong matatapos sa madaling panahon.
Nabatid na isa sa nakikitang paaran ng DOT official ay
ang pagbibigay ng discounted room rates sa Boracay para sa mga Pinoy upang
mapunan ang mga kinansilang kwarto ng mga Chinese tourist.
Samantala, nais pa ng DOT na maging ang tourist transport
sa lupa, dagat at himpapawid ay mag-offer ng discounted fare papuntang Boracay
para lalong maingganyo ang maraming Filipino na mag travel sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment