Posted November 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinag-aaralan pa sa ngayon ng Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan ang Supplemental budget ng LGU Malay para sa mga bagong
proyekto.
Sa ginanap na 40th SP Regular Session, napagkasunduan
ng mataas na konseho na e-defer muna ang nasabing resolusyon para sa
karagdagang pag-aaral.
Nabatid sa Ordinance No. 002, Series of 2014,
nilagdaan sa SB Malay ang P91, 690,075.06 supplemental budget ng Malay bilang
pondo pondo para sa iba’t-ibang mga proyektong pam-imprastraktura sa bayan.
Kabilang din sa proyekto na paglalaanan ng pondo ay
ang mga kalsadahin sa mainland Malay at Boracay na hindi saklaw ng national
road na hawak ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Popondohan din ng LGU ang mga development projects
ng ilang barangay sa Malay pati na ang ibat-ibang programa at serbisyo ng local
government.
No comments:
Post a Comment