Posted
November 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Mahigit 400 kompanya at establisemyento sa Boracay ang ginawaran ng
Certificate of Compliance ng DOLE o Department of Labor and Employment.
Ipinagkaloob ang mga nasabing sertipiko nitong umaga kasabay ng Launching
of Productivity Improvement Project sa Cagban Jetty Port at Installation of
Marker na nagdedeklarang Labor Law Compliant Tourist Destination ang isla ng
Boracay.
Kamakailan lang, muling inilarga ng DOLE Provincial Office ang
Industry-wide General Assessment sa isla upang matiyak na sumusunod sa Labor
Standards ang mga nasabing kompanya at mga establisemyento.
Nabatid na balido ang certificate sa loob ng dalawang taon.
Ipinagkaloob ni mismong DOLE Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang
mga sertipiko sa mga kompanya ng resorts, laundry services operators,
restaurants at iba pa.
Samantala, ilalarga naman bukas ng DOLE sa isla ang isang Orientation
Seminar on Labor Standard Book 6 at Book 3.
No comments:
Post a Comment