Posted November 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa lock-cell up cell na ng Boracay PNP Station
natuloy ang “deyt” ng dalawang magkasintahan matapos arestuhin dahil sa
pag-iiskandalo sa isang bar sa Boracay.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang
dalawa na sina Grace Inisa, 29 anyos at Jorge Estancia, 27 anyos residente lahat sa isla.
Ayon sa blotter report ng mga pulis, nasa ilalim ng
nakalalasing na inumin ang dalawa nang magtalo sa loob ng customer’s toilet ng
nasabing bar kanina ng madaling araw.
Dahil sa nangyayaring iskandalo ay nagsimula na di
umanong maglabasan ang iba pang mga costumer sa nasabing bar, kung kaya’t
pumasok na rin doon ang security guard.
Dito nakita na sira na ang takip ng inodoro dahil
sa pagwawala ng dalawa kaya minarapat ng sekyu na palabasin na lamang umano ang
mga ito.
Subalit, nakikipagtalo parin di umano ang nobyo ng
babae at habang papalabas ng palikuran ay pinagbabasag umano ang mga flower
base na madaanan.
Kaugnay nito, inaresto ng sekyu ang dalawa at
etinurn-over sa himpilan ng Boracay PNP Station.
Samantala, pinagbabayad naman ng nasa mahigit 30, 000 pesos na danyos ang dalawa.
No comments:
Post a Comment