Posted November 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tuloy umano at inaantay nalang ang subpoena sa isinampang
kaso laban sa pulis na nanutok ng baril sa isang menor de edad sa Aklan.
Ayon kay Women and Children Protection Desk (WCPD)
Senior Police Officer 1 Babylyn Daylusan ng Kalibo PNP.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kanyang pamilya ang
menor de edad at kasalukuyang inoobserbahan kung kailangan itong isailalim sa
stress debriefing.
Samantala, nabatid na sinampahan ng kasong paglabag
sa Republic Act 7610 ang 23 anyos na pulis na si PO1 Noriel Policarpio matapos
tutukan ng baril nitong ika-10 ng Nobyembre ang 14 anyos na binatilyo sa Old
Buswang Kalibo Aklan.
Nakapagpyansa naman para sa kanyang pansamantalang
kalayaan ang pulis nitong nakaraang Myerkules, Nobyembre 12.
No comments:
Post a Comment