Posted November 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Nagmistulang lokohan
lang ang pagpapatupad ng mandatory wearing of life jacket sa mga pasahero ng
bangka.
Ito ang obserbasyon ng
ilan din mismong pasahero ng bangka sa tuwing inoobliga sila ng mga boat crew
na magsuot ng life jacket.
Subali’t
kapansin-pansin na nangyayari lamang ito kapag naririyan at nagbabantay ang mga
taga PCG o Philippine Coastguard.
Ibig sabihin, malayang
nakakaalis ang bangka kahit walang suot na life jacket ang kanilang mga
pasahero, kapag walang nagbabantay.
Ang siste, nalilito
tuloy ang mga pasahero sa kung ano ba ang dapat at kung kailan dapat magsuot ng
life jacket.
Dahil din dito,
hinuhubad at hinahawakan na lamang ng mga pasahero ang life jacket kapag nasa
kaligitnaan na ng biyahe.
May mga nagsasabi naman
na ok lang kahit hindi ito isuot, basta hawakan lang.
Dahil dito, isang
survey ang ginawa ng himpilang ito tungkol sa pagsusuot ng life jacket, kung
saan aming nabatid na mas gusto parin ng nakapanayam naming mga turista ang
sumuot ng life jacket kaysa sa hawakan.
Samantala, sinabi pa ng
ilan sa aming nakapanayam na hindi naman pala sila sinasabihan ng mga boat crew
na magsuot ng life jacket.
Kaugnay nito, muling
iginiit ng PCG na dapat sundin ang ipinapatupad na safety measures para sa
kaligtasan ng mga pasahero.
No comments:
Post a Comment