Posted November 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsya ng
Aklan kung saan nito lamang Nobyembre 7 ay umabot na ito sa 1, 456.
Ito’y base sa records ng Provincial Health Office’s (PHO)
Epidemiology Surveillance and Response Unit, kung saan tumaas ito ng 43.06
percent sa parehong period noong nakaraang taon na may bilang lamang na 829.
Nabatid na karamihan sa mga nabiktima ng dengue sa
probinsya ay nag-eedad ng 11-20 years old na may kasong 557, na naitala ng PHO.
Habang ang may edad na 21 hanggang 30 anyos ay may kasong
286 at ang 31 to 40 years old ay 103, 41 hanggang 50 years old, ay may kasong
46 at ang 51 anyos pataas ay may kasong 46 at sa edad 1 year old pababa ay may 12
kaso.
Napag-alaman na ang bayan ng Kalibo ang siyang may
pinakamaraming popolasyon sa probinsya na kung saan siya ring may naitalang
pinakamataas na kaso ng dengue ngayong taon na may bilang na 360.
Sinundan naman ito ng bayan ng Malay na 188, Banga na 135
habang ang bayan ng Numancia ay may naitalang kaso na 121 at ang natitirang
bayan sa Aklan ay may kaso na hindi bababa sa 69.
Sa kabila nito patuloy naman ang ginagawang panawagan ng
mga opisyal ng PHO sa mga Aklanon na panatilihing maglinis ng kanilang paligid
para maiwasan ang paglaganap ng mga lamok na may dalang dengue.
No comments:
Post a Comment