Posted November 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa blotter report ng BTAC, ipinatong di umano
ng magkapatid na Russian na kinilalang sina Anna Aleksandrova, 17 anyos at
Svetlana Aleksandrova, 29 anyos ang kanilang bag sa upuan ng isang boutique sa
Station 2 Balabag Boracay habang namimili ng swimsuit.
Subalit, nang magbabayad na umano sana ang mga ito
sa cashier ay natuklasang nawawala na ang perang napapaloob sa isang pouch na
nakalagay sa bag na nagkakahalaga umano ng 250 US Dollars o nasa mahigit 11
thousand pesos at 5 thousand pesos.
Samantala, siniguro naman ng BTAC na tutukan ang
nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment