YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 19, 2014

Mga barangay sa Malay, magpapasiklaban sa Christmas tree making contest

Posted November 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Magpapasiklaban sa paggawa ng Christmas tree ang bawat Brgy. sa bayan ng Malay.

Tumataginting na 50 libong peso ang matatanggap ng mananalo sa nasabing kumpitisyon kung saan P40.000 sa 2nd place at P30.000 sa 3rd place.

Ayon naman kay Environmental Service Office Joery Oczon, kailangang recycled materials ang gagamitin sa Christmas tree making contest katulad ng used bottled waters, dried coconuts, soda cans at news papers.

Itatayo naman umano ang nasabing Christmas tree sa bawat brgy. plaza na kailangang matapos bago ang December 1 para sa judging sa December 8-11.

Nabatid na layunin umano nito na maipakita at maipadama sa bawat tao ang nalalapit na kapaskuhan gayon din ang pagkakaisa at pagtulong-tulong ng mga residente sa pamamagitan ng nasabing aktibidad.

Samantala, kasabay nito isang street beautification contest din ang inorganisa ng LGU Malay na kung saan parehong premyo din ang matatanggap ng mga mananalong Brgy.

No comments:

Post a Comment