Posted November 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Aprobado na sa 40th SP Regular Session ang
pagbibigay ng 20% discount sa mga taxpayers na magbabayad ng advance para sa
2015 General Revision of Real Properties.
Nabatid na ang nasabing panukala ay hiniling ni
Gov. Joeben Miraflores matapos maisapinal ang pagpapatupad ng mga bagong
bayarin sa buwis.
Samantala, ang bagong Base Market Values of Real
Properties para sa 17 municipalities sa Aklan ay magiging epektibo sa Enero
2015.
Kasama naman sa mga inaprubahan ng SP ang special
base market valuation sa mga resort sa isla ng Boracay at Metro Kalibo.
Ang inaprubahan ng SP Aklan ay ang sya ring binagong
iskedyul mula sa orihinal na panukala ng opisina ng Provincial Assessor, kung
saan ang antas ng bayarin sa buwis ay binawasan sa pag-iintindi ng mga hinaing
at opinyon ng mga negosyante mula sa Kalibo at Boracay.
Una namang ipinaliwanag ni Provincial Assessor
Kokoy Soguilon na nakasaad sa Section 219 ng Local Government Code o base sa
Republic Act No. 7160, na dapat magkaroon ng General Tax Revision of Real
Properties ang lokal na pamahalaan kada tatlong taon.
No comments:
Post a Comment