Posted November 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patuloy sa ngayon ang pagsasagawa ng mga pulis na
may matataas na rango sa Philippine National Police (PNP) ng on-the-spot
inspection sa mga municipal police stations.
Kaugnay nito, sinuyod ni Aklan Police Provincial Office
(APPO) officer-in charge Senior Superintendent Iver Apellido ang Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) nitong nakaraang Linggo.
Ayon sa APPO, ito’y upang pag-usapan ang operasyon ng
deployment ng mga pulis sa Boracay lalo na’t parami ng parami ang mga
bumibisita ngayong papalapit ang holiday season.
Dagdag pa ng APPO, sinisiguro din ng pamunuan ng
PNP na ipinatutupad ng tama ang mga patakaran.
Ito’y para mabantayan na rin umano sa pasukan at
labasan ng mga himpilan ng pulisya at mamanmanan ang mga pasaway nilang kabaro.
Dahil dito, nagsasagawa ang APPO ng regular
on-the-spot inspection sa mga tanggapan, unit at kampo ng PNP na nasasakupan
nito.
No comments:
Post a Comment