Posted November 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tila nalilito parin sa ngayon ang ilang operator ng
tricycle unit sa Boracay tungkol sa pagpasok ng Electric Tricycle (E-trike) sa
isla.
Ito’y dahil hindi parin malinaw sa kanila kung ano ang
kasunduan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Malay at sa supplier ng e-trike
na papalit sa mga tricycle unit sa Boracay.
Nabatid na isang pagpupulong ang itinakda ng LGU Malay sa
darating na Disyembre 2 para pag-usapan ang tungkol sa operasyon nito sa isla
at kung hanggang kaylan tuluyang papalitan ng e-trike ang mga tricycle sa
Boracay.
Sa kabilang banda ilang operator ng tricycle at mga
gustong mag-avail ng e-trike ang lumapit sa Sangguniang Bayan ng Malay kahapon
para bigyan sila ng kasagutan tungkol sa kanilang mga katanungan at sa kanilang
napipintong operasyon sa isla.
Napag-alaman na nais din ng mga ito na makakuha ng
electric tricycle matapos ang operasyon ng kanilang mga tricycle sa Boracay
ngunit sa ngayon umano ay wala pang sapat na suplay ng nasabing sasakyan ang
supplier at mataas din halaga nito.
Samantala, ang electric tricycle ay ang papalit sa mga
tricycle unit sa Boracay dahil sa pagiging eco friendly nito at dagdag
atrakasyon sa isla ng Boracay habang ang mga tricycle ay tuluyan ng aalisin at
inaasahang itatawid sa mainland Malay.
No comments:
Post a Comment