Posted November 20, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Hindi lang ang
magandang beach area ng Boracay at ang fire dancer ang inaabangan ng mga
turista tuwing pagsapit ng gabi kung hindi pati ang mga naggagandahang
fireworks display.
Kadalasan ay
ginagamit ang fireworks display sa beach wedding na talaga namang nakakaagaw
atensyon sa mga dumaraang turista sa beach front area dahil sa ganda nito.
Bagamat hindi basta-basta
ang pagkakaroon nito sa Boracay dahil sa kailangan pa ito ng permit mula sa LGU
Malay at kailangang masunod ang mga ordinansa tungkol dito.
Nabatid na maging
ang Department of Tourism (DOT) Boracay ay masaya sa kaliwat kanang fireworks
display attraction sa mga turista lalo na’t kung wala silang nilalabag na
batas.
Sa kabilang banda
mahigpit padin ang ordinansa tungkol sa paggamit at pagbinta ng firecrackers,
fireworks at iba pang pyrotechnic device sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng
Boracay kung saan may itinakdang penalidad sa hindi susunod ng tama sa paggamit
nito.
Samantala, ang
pagpapaputok ng firecrackers sa puting buhangin ng Boracay ay higit na
ipinagbabawal kung saan kailangan lamang itong gamitin sa karagatan na may
layong 200 meters mula sa white beach gamit ang kahit anong floating device.
No comments:
Post a Comment