Posted November
21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dalawang kaso na naman ng nakawan ang naitala ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) sa isla ng Boracay ngayong araw.
Sa police report ng Boracay PNP isang Korean National na
kinilalang si Hyun Jae Cho, 37-anyos ang nagreklamo sa kanilang tanggapan
matapos umanong mawala ang kanyang isang Loptop, cellphone at Galaxy Note 3 kasama
pa ang ilang libong pisong pera.
Ayon sa biktima nagising nalang umano siyang wala na ang nasabing
gamit na pinaniniwalaang ninakaw ng hindi nakilalang suspek dahilan para agad magsagawa
ng embistigasyon ang management ng kanyang tinutuluyang resort.
Kaugnay nito isang kaso rin ng pagnanakaw ang
kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng Boracay PNP kung saan tinangay din ng
hinihinalang mga magnanakaw ang tatlong wrist watch at 4 hanggang 5 gantas ng
bigas kabilang pa ang plastic coin bank na tinatayang may lamang P4,000.
Ayon naman sa biktimang si Nelson Bautista ng
Sitio.Bantud, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan naabutan na lamang umano nito ang
kanilang bahay na wala na ang mga nabanggit na gamit kung saan nakita na lang
din nito sa likod ng kanilang bahay ang coin bank na wala ng laman kahit piso.
Matatandaan na isang sari-sari store sa Brgy. Yapak
Boracay din ang nilooban kahapon ng hindi nakilalang magnanakaw matapos kunin
ang ilang gadgets at pera.
Paalala naman ng mga otoridad ang ibayong pag-iingat sa
paglaganap ng mga kawatan ngayong nalalapit na kapaskuhan kasabay ng pag-atake
ng ibat-ibang modus operandi.
No comments:
Post a Comment