Posted November 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa ipinatawag na pagpupulong kahapon ng Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF) sa kanilang tanggapan.
Muling tinalakay ang pagkakaroon ng Sewage
Treatment Plant (STP) ng Boracay Island Water Company (BIWC) sa Barangay
Manoc-Manoc Boracay.
Dito, muling nilinaw at tiniyak ng BIWC na
sinusunod nila ang pinakamataas na pamantayan ng DENR kasama na ang pagkuha ng
lahat ng permit lalo na ng Environmental Compliance Certificate.
Samantala, nabatid na patuloy na sa ngayong umuusad
ang Sewer Network Project ng BIWC na nagkakahalaga ng P298 million, kung saan
inaasahang matatapos sa loob ng tatlong taon.
Matatandaan naman na nag-umpisa ang operasyon ng
contractor na Anden Construction sa Sitio Tulubhan at Sitio Bantud at
kasalukuyang nasa 10% pa lamang ang nalatagan ng linya sa kabuuang area ng
Barangay Manoc-manoc.
Layunin umano ng proyekto na ang lahat ng maruming tubig
mula sa mga kabahayan at establisyemento ng nasabing barangay ay direktang
mapupunta sa STP para sa gagawing treatment bago ito ibalik sa dagat.
Ang STP ay isang mahalagang pasilidad para
mapangalagaan ang kapaligiran lalo na sa pagdami ng mga naninirahan sa isla at
lumulubong dami ng turista na nagbabakasyon taun-taon.
No comments:
Post a Comment