Posted November 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinangay ng hindi nakilalang magnanakaw ang gadgets at
pera mula sa isang sari-sari store sa Sitio. Hagdan Brgy. Yapak, Boracay
kaninang madaling araw.
Sa report ng Boracay PNP nagreklamo sa kanilang tanggapan
ang biktimang si Elena Adito 48-anyos ng Sipalay City, Negros Occidental at
presenteng nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa biktima nagising nalang umano siyang nawawala na
ang kanyang tablet at dalawang cellphone, dalawang silver necklace kasama na
ang perang nagkakahalaga ng P3,000 na nakalagay sa kanilang sari-sari store.
Nabatid na sa isinagawang embistigasyon ng Boracay PNP
maaaring nangyari umano ang pagnanakaw kaninang alas-2 hanggang alas-5 ng
madaling araw.
Ayon naman sa kinakasama ng biktima isinara umano nila
ang kanilang sari-sari store bandang alas-2 ng madaling araw saka natulog ang
mga ito sa kanilang kwarto.
Pinaniniwalaan naman ng mga ito na posibleng ginamit ng
suspek bilang daanan ang pintuan ng kanilang kusina patungo sa lugar kung saan
nakalagay ang mga ninakaw nito.
Napag-alaman na nauna na ring nagsumbong sa Boracay PNP
Station ang nasabing biktima kung saan nanakawan na rin umano ang mga ito.
Samantala, blangko parin ang mga pulis na matukoy ang
pagkakakilanlan ng suspek sa pagnanakaw habang patuloy parin ang kanilang
ginagawang pag-iimbestiga sa ngayon.
No comments:
Post a Comment