Posted November 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Humihingi ngayon ng paumanhin si mismong Municipal
Planning Officer Alma Beliherdo sa mga tinamaan ng road setback sa isla ng
Boracay.
Ito’y matapos nilang simulang bigyan ng notice ang mga
kabilang sa mga lumabag sa road ordinance o Municipal Ordinance No.2000-131
nitong mga nakaraang linggo.
Ayon kay Beliherdo sinusunod lang nila ang ang utos ng
Local Government Unit ng Malay para sa kapakanan ng isla ng Boracay.
Sinabi pa nito sa mga kabilang sa road setback na
mag-comply nalang sila para agad na maisaayos ang widening project ng LGU Malay.
Nabatid na nakapagbigay na rin sila ng unang notice at
pangalawang notice sa mga bahay at establisyemento na kasama sa setback na
ngayon ay nag-uumpisa na ring magbaklas.
Napag-alaman na ito ay ordinansang nag-uutos na dapat
magkaroon ng anim na metrong road set back mula sa sentro o gitna ng kalsada
ang anumang temporary o permanent structures.
No comments:
Post a Comment