Posted November 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi lang ang magandang turismo ng isla ng Boracay
ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Department Of Tourism (DOT) Region 6.
Kung saan kabilang din dito ang mga tourism front
liners sa isla na nagbigay ng positive impact sa Boracay pagdating sa
pangangalaga ng turismo at mga turista.
Ayon kay Department of Tourism regional director
Helen Catalbas, sa susunod na buwan umano ay balak nilang magkaroon ng programa
para bigyang parangal ang mga front-liners sa isla dahil sa kanilang pagiging
honest sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga gamit na naiwala ng mga turista.
Isa naman sa ginawang halimbawa ni Catalbas ay ang
tricycle driver sa Boracay na nagsauli kamakailan lang ng perang P40.000 na
naiwan sa kanyang sasakyan na pagmamay-ari ng isang Koryana.
Sinabi pa nito na ang pagiging honest ay isang
magandang bagay na may “great impact” sa turismo na kung saan ay magiging
kampante ang mga bisita sa Boracay.
No comments:
Post a Comment