Posted November 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Blangko pa ang Department of Environment and
Natural Resources (DENR) Boracay sa status ng pipe concreting and extension ng
TIEZA sa Bolabog Beach.
Ayon kay Community Environment and Natural
Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel.
Wala pang naibigay na update sa kanila ang lokal na
pamahalaan tungkol dito, matapos ang isinagawang pagpupulong nitong nakaraang
buwan kasama ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA)
at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Gayunpaman, nabatid na minamadali nang dugtungan ng
concrete pipe o sementadong tubo ang drainage sa Bolabog beach bago tuluyang
paganahin ang pumping station sa Barangay Balabag bago paman ang APEC Summit
2015.
Sa kabila nito, una namang inamin ng TIEZA na
marami pang kinakaharap na problema ang drainage sa isla katulad ng mga illegal
connections.
Samantala, pagtutulungan naman umano ng Boracay Redevelopment Tassk Force (BRTF) na matapos ang proyekto bago ang APEC Hosting.
No comments:
Post a Comment