Posted November 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang magtungo sa isla ng Boracay ang
verification at inspection team ng Bureau of Fire Regional Headquarters ngayong
Lunes Nobyembre 24.
Ito’y para magsagawa sila ng inspeksyon sa mga
establisyemento sa isla tungkol sa monitoring ng fire code compliance.
Nabatid na nais malaman ng BFP Regional Office kung
nasusunod ba ang itinakdang fire code compliance of the Philippines sa lahat ng
mga establisyemento sa isla ng Boracay.
Sa kabilang banda maaaring maharap sa ibat-ibang
paglabag ang mga establisyemento na hindi nakapag-install ng fire exits, fire
extinguishers at walang angkop na electrical wiring.
Samantala, maging ang mga boardinghouse at mga
paupahang apartment sa Boracay ay inaasahang imomonitor din ng BFP para sa
kaligtasan ng lahat ng mga nakatira lalo na at dikit dikit na rin ang mga
building sa isla.
No comments:
Post a Comment