Posted November 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malaking tulong umano sa isla ng Boracay ang pagdalo ng
Local Government Unit (LGU) Malay sa ginawang Travel Mart sa London nitong mga
nakaraang linggo.
Ito’y upang e-market ang turismo ng Boracay sa mga travel
agencies na dumalo sa nasabing Travel Mart mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Nabatid na ilan din sa mga nagtungo sa London ay sina SB
Member Rowen Aguirre at Jupiter Gallenero, Mtour Chief Operation Officer Felix
Delos Santos at ang Boracay Foundation Inc. sa pangunguna ni BFI President Jony
Salmy at BFI Executive Director Pia Miraflores.
Sa kabilang banda sinabi naman ni Aguirre na tanyag na
rin ang Boracay sa ibang mga bansa ngunit napag-alaman umano nilang nahihirapan
ang mga turistang pumunta rito.
Aniya, hindi umano alam ng mga ito kung paano puntahan
ang sikat na isla kung kayat ito ang kanilang tututukan sa ngayon at sa mga
susunod pang Travel Mart.
Napag-alaman na marami naring Travel agencies ang
nakipag-ugnayan sa LGU Malay para e-market ito sa kanilang mga bansa.
Samantala, ito ang kauna-unahang pagdalo ng LGU Malay pagdating
sa pag-market ng Boracay kung saan ito lang din ang lugar na sumali sa buong Region
6.
No comments:
Post a Comment