Posted November 19, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Hinihintay pa ng PCG o
Philippine Coastguard ang medical result ng dalawang turistang naaksidente sa Ariel’s
Point nitong Linggo.
Ayon sa PCG,
nagkaareglo na ang mga biktima at ang pamunuan ng nasabing dive site.
Kinilala ng PCG Boracay
ang isa sa mga biktimang Australiano na si Christian Czaplock, 25 anyos at
residente ng Olongapo City, at isa pang Pilipinong turista.
Base sa imbistigasyong
nakalap ng himpilang ito, naaksidente ang dalawa matapos tumalon mula sa 15
talampakang diving board.
Kaagad namang isinugod
sa isang pagamutan sa Boracay ang dalawa matapos dumaing ng pananakit ng likod
at braso.
Samantala, bagama’t
tumangging magbigay ng iba pang detalye sa insidente, iginiit naman ng pamunuan
ng Ariel’s Point na minor injury lamang ang tinamo ng mga biktima.
Natural lamang din
umano na makakaramdam ang mga ito ng pananakit ng likod lalo pa kapag mali ang
pagbagsak sa tubig.
Nabatid na kaagad
dumaing ng sakit sa likod ang Australianong biktima habang nagtamo naman ng
pinsala sa kaliwang braso ang isa pang hindi na pinangalanang biktima.
No comments:
Post a Comment