Posted June 12, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Arestado na ang suspek sa pamamaril sa Barangay
Kapitan ng Unidos, Nabas, Aklan nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay Nabas PNP Chief Inspector Arnolito
Laguerta, nadakip ang suspek sa tulong ni Chief Inspector Al Lloren Bigay, hepe
ng New Washington, (Aklan) police station.
Tumawag umano sa kanya si Bigay tungkol sa isang
taga Nabas na nandoon sa New Washington, base na rin sa kanilang nakalap na
community report.
Kaagad umanong pumunta si Laguerta sa New
Washington kung saan positibong nakilala at nadakip ang suspek na si Johnson Culumbres.
Ayon pa kay Laguerta, ang suspek din umanong si Culumbres
ang itinuturo ni Barangay Captain Dante Berondo na siyang nagpaputok ng baril
sa bilyaran.
Magugunitang ikinasawi ng kapatid ng kapitan na si
Ropel Berondo at ikinasugat ng iba pa ang nangyaring pamamaril na sinasabing
nag-ugat sa kanilang away sa lupa.
Samantala, patuloy parin ang imbistigasyon ng Nabas
PNP kaugnay sa umano’y pamangkin ng suspek na kasama nito sa krimen.
No comments:
Post a Comment