Posted June 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Muli ngayong iginiit ng Philippine Red Cross (PRC)
Malay-Boracay Chapter ang pagkakaroon ng “safety course” ng mga resort at hotel
sa isla.
Ayon kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy Administrator
John Patrick Moreno, matagal na itong alituntunin, kung saan nire-require ang
mga staff at empleyado ng mga resort at hotel na mag-training at matuto ng
“safety course.”
Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga
bakasyunista o turista sa isla kung sakaling magkaroon ng aksidente sa tubig.
Ayon pa kay Moreno, nasa ilalim umano ito ng
monitoring ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of
Labor and Employment (DOLE), at Department of Tourism (DOT).
May Memorandum of Agreement (MOA) na rin umano sila
nito sa coastguard, subali’t maaaring walang ideya rito ang ilang mga resort at
hotel dahil hindi gaanong namomonitor.
Dapat kasi aniya na may isang first aider ang mga
nasabing hotel at resort, o di kaya’y sampung porsiyento ng kanilang empleyado
ang marunong magbigay ng first aid.
Dapat din umanong may mga life guard na sinanay ng
Red Cross ang mga may swimming pool na resort sa front beach.
Samantala, hinikayat naman ng PRC ang mga resort at
hotel sa isla ng Boracay na pumunta na sa kanilang tanggapan at sumailalim sa nasabing
“safety course.”
No comments:
Post a Comment