Posted June 12, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay
Ito ang masaklap na karanasan ng isang babaeng
turista sa isla ng Boracay kaninang madaling araw.
Nagreklamo sa Boracay PNP Station ang 26 anyos na
babae matapos na biglang sinabunutan ng hindi nakilalang babae.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP Station
ang biktima na si April Lyn Serva ng Caloocan City at nagbabakasyon dito sa
isla.
Ayon sa biktima, ala una kanina ng madaling araw
habang nasa loob sya ng isang bar sa Balabag Boracay nang lumapit ang isang
hindi kilalang babae at bigla itong sinabunutan at sinuntok.
Isa umanong lalaking foreigner ang tumulong sa
kanya, kung saan niyakap di umano ito at sinabukang pigilan ang nangyayaring
komosyon.
Samantala, nang sakay na umano ng tricycle ang
biktima habang papaalis sa lugar ay doon nya nalamang nawawala ang kanyang
Samsung G41 na cellphone.
Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga
taga Boracay PNP Station hinggil sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment