Posted
June 13, 2014
Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay
Ilan sa mga naapektuhan ang may mga maliliit na kabuyahan katulad ng
mga tinatawag na night vendors.
Si Johnrey, halos 25 taon na umano sa kanilang barbeque business sa
Boracay.
Bagama’t dismayado, nakangiti paring sinabi na humina ang kanilang kita
simula nitong nakaraang gabi dahil sa malakas na hangin at pag-ulan dulot ng
nararamdanang Habagat.
Kumikita na lamang umano kasi sila ng halos 1, 500 pesos, sa halip na
nasa 4, 500 pesos simula alas 4:30 ng hapon hanggang ala 1:30 ng madaling araw
sa kanilang pagtitinda ng chori burger, at mga barbeque.
Subali’t ayon pa kay Johnrey,kinakailangang kumayod para sa pamilya,
kung kaya’t hindi nila inaalintana ang epekto ng Habagat, lamang kumita.
Ang remedyo, nilalagyan na lamang nila ng extension ang kanilang
barbeque tent upang hindi mabasa.
Sinabi nito na hindi lamang sila ang naapektuhan ng Habagat, kungdi ang
mga katabi nilang naghi-hair braid, mga masahista, at maging ang iba pang
naglalako ng kung anu-ano sa vegetation area tuwing gabi.
Samantala, nabatid na kanya-kanya namang naglalagay ng mga malalaking
payong o umbrella ang mga beach front establishments upang hndi maapektuhan ang
kanilang negosyo sa gabi, lalo na’t malakas ang hangin.
No comments:
Post a Comment