Posted June 11, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Sasailalim sa isasagawang Evaluation ang LGU Malay
ngayong araw para sa Seal of Good Local Governance.
Ito ang kinumpirma ni Malay SB Secretary Concordia Alcantara
matapos ang isinagawang session nitong Martes.
Aniya, isang grupo ng Regional Team ang inaasahang mag
e-evaluate sa mga Department Heads ng LGU Malay kasama na ang Sangguniang
Bayan.
Kasabay nito, magpapatuloy parin ang isasagawang Session ngayon
para talakayin ang mga nakabinbin na usapin.
Maliban dito dalawa pang bayan sa Aklan ang inaasahang
e-evaluate ng nasabing grupo kasama na ang Bayan ng Kalibo.
Ang nasabing Evaluation ay mag-uumpisa ngayong alas-otso ng
umaga at magtatapos bukas.
Samantala, pinangunahan ng Department of Interior and
Local Government Unit (DILG), Philippine National Police (PNP) at University of
San Agustin (USA) ang Evaluation.
No comments:
Post a Comment