Posted June 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inaalam na rin ngayon ng Department of Tourism
(DOT) Boracay ang status ng Flood Control Project sa isla.
Ayon kay DOT Boracay Officer – In – Charge Time
Ticar, tumungo umano ito sa tanggapan ng Tourism Infrastructure Enterprise and
Zoning Authority-Regulatory Office (TIEZA-RO) kahapon subalit wala umano itong
nakausap na pwedeng pagtanungan doon.
Anya, sa ngayon kasi na pormal nang idineklara ng
PAGASA ang Habagat Season sa bansa ay mahalagang malaman kung kumusta na ang
preparasyon ng isla lalo para sa baha.
Samantala, sinubukan rin ng himpilang ito na muling
makapanayam si ITP Construction Project Architect Victor Turingan subalit hindi
na siya makontak sa kanyang cellphone.
Maliban dito, holiday rin ngayon at walang tao sa
kanilang opisina dahil sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan o Independence Day.
Matatandaan na sinimulang gibain ang kalsada mula
sa kanto ng Balabag papasok ng Sewerage Treatment Plant (STP) ng Boracay Island
Water Company (BIWC), para sa pipe laying o paglalagay ng tubo bilang bahagi ng
ginagawang Flood Control Project ng TIEZA.
Sinimulan ang Flood Control Project nitong
nakaraang taon upang tuldukan ang napakatagal nang problema sa baha sa isla.
No comments:
Post a Comment