Posted
June 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sinuspende ng BRTF ang nakatakdang MOA signing sa pagitan ng mga taga
BPAI at ilan pang photographers sa isla.
Ayon kasi kay Boracay Photographers Association Inc. (BPAI) Secretary
/Treasurer Arnel Mabutol.
May iskedyul para sa isang inspeksyon ang Boracay Redevelopment Task
Force (BRTF) bukas ng umaga, kung kaya’t nire-schedule naman bukas ng hapon ang
para sa BPAI.
Magugunitang iminungkahi ng BRTF sa BPAI ang isang MOA o memorandum of
agreement, upang maestablisa ang isang mabuting relasyon sa pagitan nila at ng
mga photographers sa isla na hawak ng mga foreign agencies.
Ayon pa kay Mabutol, naihanda na rin ng BRTF ang imbitasyon para sa mga
taga Korean-Chinese-Taiwan Tour Agency para sa nasabing kasunduan bukas.
No comments:
Post a Comment