Posted June 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang bote ng kape na naglalaman ng Fetus ang natagpuang
palutang-lutang sa dalampasigan ng Boracay kaninang alas-onse ng tanghali.
Ayon sa mga taga Command Center, nakita ito ng isang
Boatman na palutang-lutang sa harap ng Sea World diving activities sa Station 2 Boracay.
Agad namang dinala sa tanggapan ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang nakitang Fetus kung saan inimbestigahan naman ito
ng Women’s Desk.
Ayon sa mga otoridad dahil sa ito’y halos naaagnas na rin
hindi na umano nila matukoy ang kasarian nito kung saan dinala nalang din ito
sa Simabahan para alayan ng misa kasabay ng pagpapalibing.
Pinaniniwalaang dinagsa lang din ito mula sa mainland
papuntang isla ng Boracay dahil sa sobrang lakas ng alon sa dagat dala ng
nararanasang Habagat.
Samantala, ikinadismaya naman ng mga otoridad at Simbahang
Katolika ang nasabing insidente dahil sa pagkitil sa buhay ng isang batang
walang kaalam-alam sa mundo.
No comments:
Post a Comment