Posted June 14, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Ang cooking challenge ay sinalihan ng labing limang teams
mula sa iba't-ibang resort at restuarant na kailangan magluto ng recipe gamit
ang sili.
Tumagal ng halos dalawang oras ang patimpalak na sinundan ng
public tasting at awarding sa mga partisipante.
Napanalunan naman ng Crafty's Roof Top Bar ang People's
Choice, 2nd Runner-up ang Maya's Filipino and Mexican Cuisine at 1st Runner-up
ang mga kunsinero mula The Tides.
Nagkaroon din ng pa-raffle bilang bahagi ng fund raising ng
PRC Boracay-Malay Chapter kung saan gagamitin ang pondo sa mga humanitarian
program at activity sa Boracay at Malay.
Masayang nagtapos ang aktibidad na ikinatuwa ng mga turista
dahil maliban sa sila ay nakatikim ng mga maaanghang na putahe ay nakatulong pa
sila sa Philippine Red Cross.
Ang kakaibang cooking challenge na ito ay sinupurtahan din
ng Department of Tourism at LGU-Malay.
No comments:
Post a Comment