Posted June 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Aprubado na ng Sangguniang Bayan ang pagkakaroon ng
Technical and Vocational School sa bayan ng Malay.
Ito’y matapos talakayin sa SB Session ng Malay nitong
Martes ang resolusyon ng pagkakaroon ng nasabing paaralan sa Malay sa
pangunguna ni Vice Mayor Wilbec Gelito.
Nabatid na itatayo ang Training Center sa Balusbos,
Malay, Aklan bilang venue ng Malay Technical Vocational School ng nasabing
munisipyo.
Nagkaroon din ng resolusyon ang Sangguniang Bayan bilang
pagkilala sa Housekeeping NC II and Food Beverage NC II bilang initial
courses/program na na maiaalok ng nasabing paaralan.
Layunin nito na mabigyan ng sapat na kasanayan ang mga
kabataan para sa mga gawaing bokasyonal lalo na at kinakailangan ang ganitong
kurso sa isla ng Boracay.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang LGU Malay sa
ilang mga kinauukulan dito para sa mas mabilis na pagpapatayo ng nasabing Vocational
School.
No comments:
Post a Comment