Posted June 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Halos sampung libong mga consumers ang dumalo sa
isinagawang General Annual Assembly ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa
bayan ng Kalibo nitong Sabado.
Kabilang sa dumalo dito ang mga kunsumidor mula sa
ibat-ibang distrito ng probinsya at ilang bayan sa Antique na binibigyan ng serbisyo
ng Akelco.
Naging panauhing pandangal naman sa naturang Assembly si
Party List Representative Edgardo Masongsong na mula pa sa Cebu City.
Layunin ng Assembly na ipaabot sa mga kunsumidor ng
Akelco kung ano ang dahilan ng sunod-sundo na nararanasang brown out at ang
matagal na pagbalik ng suplay ng kuryente matapos ang nakaraang bagyong Yolanda.
Ayon kay Akelco Out Going General Manager Chito Peralta
halos dalawang libo umano ang mga nasirang poste ng kuryente dahilan para
matagalan ang pagbabalik ng suplay nito kabilang na ang kakapusan ng pondo.
Nabatid na mahigit ilang oras din ang itinagal ng nasabing
AGMA kung saan ilan pang report ang ibinihagi ni Peralta sa mga kunsumidor
matapos ang kaniyang panunungkulan ng mahigit anim na taon sa serbisyo.
No comments:
Post a Comment