Posted June 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay BIHA o Boracay Island Hopping Association
Chairman Rigoberto Gelito Jr., "ok lang" at “no comments”na sila sa nasabing sit
back na naglalayong mapangalagaan ang mga sea grasss sa Bolabog Beach bilang
bahagi ng Boracay Redevelopment.
Sa kabila ito na may kalayuan ang 200 meters na
mooring area para sa mga bisita o turistang nais mag-boating o mag-island
hopping.
Ayon kasi kay chairman Rigoberto, konsiderasyon
sana ito sa oras ng operasyon ng kanilang mga bangka at mga bisita.
Samantala, maliban sa sit back, sinabi ni chairman
Rigoberto na suportado din nila ang iba pang redevelopment program ng LGU Malay
para sa isla.
Nabatid na inilatag ni Life Guard Supervisor Mike
Labatiao sa Assembly Meeting ng BFI o Boracay Foundation Incorporated nitong
nakaraang Sabado ang accomplishment report kaugnay sa nasabing sit back.
No comments:
Post a Comment