YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 09, 2014

Wind breakers, sinimulan nang ilagay ng ilang establisemyento sa station 1

Posted June 9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sinimulan na ng ilang establisemyento sa station 1 Balabag ang paglalagay ng mga wind breakers.

Unti-unti na rin kasing nararamdaman ang pagpasok ng hanging Habagat dito sa isla, base na rin sa report ng PAG-ASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Kaugnay nito, pinangunahan mismo ni BFI o Boracay Foundation Incorporated President Jony Salme ang paglalagay ng wind breakers sa kanilang beach front property nitong Sabado.

Ayon pa kay Salme, base sa desinyo at sukat ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force ang kanilang wind breakers.

Maaalalang nagkasundo sa desinyo ng wind breakers at sea walls ang mga beach front establishment owners at ang BRTF bilang bahagi parin ng ipinapatupad na redevelopment sa isla.

Samantala, maliban kay Salme, naghahanda na rin ang mga kalapit nitong establisemyento sa paglalagay ng wind breakers bilang proteksyon sa malakas na hangin pagsapit ng Habagat. 

No comments:

Post a Comment