YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 10, 2014

(Update) 5 Korean national na naaksidente kahapon sa isang tricycle sa Boracay, hindi na nagsampa ng kaso

Posted June 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hindi na nagsampa ng kaso ang limang mga Korean national sa driver ng tricycle na kanilang sinakyan at naaksidente sa Brgy. Manoc-manoc Boracay kahapon.

Ito'y sa kabila ng tinamong pinsala ng mga biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan dulot ng nasabing insidente.

Kaugnay nito, dumulog ang dalawa sa mga Korean national na sina Lee Chang Kun at Kim Dong Hyun kasama ang  kanilang interpreter sa Boracay PNP Station at pormal na ipina-blotter ang nangyari para na lamang sa insurance.

Nawala kasi di umano ang Galaxy Note 3 na cellphone ni Yoo Jung Min nang maganap ang aksidente.

Samantala, matatandaan na nangyari ang aksidente nang dumausdos at mahulog ang dalawang bag ng mga biktima na nakalagay sa itaas ng traysikel.

Bumangga umano ang nahulog na bag sa harapang gulong ng traysikel, kung kaya’t nawalan ito ng kontrol at sumadsad.

No comments:

Post a Comment