Posted June 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dumulog sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) si Geoffrey Gee, 69 anyos, British national ng Stannington UK
kasama ang asawang si Jonna Mae Gee.
Ito’y matapos na pinasok ng hindi nakilalang
kawatan ang loob ng kanilang bahay at tinangay ang ilan sa kanilang mga
mahahalagang gamit tulad ng computer monitor, wrist watch, leather jacket, hard
drive at sapatos.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, umuwi bandang
alas nuebe kagabi ang mag-asawa sa kanilang bahay sa So. Bolabog Balabag
Boracay nang madiskubrehang nawawala ang kanilang mga gamit.
Base sa pagsisiyasat ng mga pulis, dumaan ang
suspek sa glass wall ng nasabing bahay, kung saan nakita pa doon ang kanyang
foot prints at ilang mga basag na salamin.
Samantala, iniimbestigahan din ngayon ang anim na mga construction
worker matapos na ma-recover ang ilang mga nawawalang gamit malapit sa isang
construction building sa lugar.
No comments:
Post a Comment