Posted June 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpadala ng sulat ang Boracay Foundation Inc. (BFI) sa
Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay sa mga Dos and
Don’ts sa isla.
Ito ang kinumpirma ni BBMP Project In-charge Al Lumagod
matapos ang kanilang naging problema nitong nakalipas na Labor Day sa Boracay
dahil sa hindi nasunod na mga ordinansa sa isla.
Aniya, hiling umano nila sa CAAP na ipaabot sa mga
turista na tutungo sa Boracay na bago bumaba ang mga ito ng eroplano ay ipaalam
muna sa kanila ang environmental advocacies sa isla.
Sa ganito umanong paraan ay maiiwasan ang problema sa
Boracay katulad ng mga iniiwang basura sa dalampasigan, paninigarilyo at ang
pag-ihi sa dagat.
Napag-alaman na nitong Labor Day ay dinagsa ang Boracay
ng libo-libong turista kung saan ibat-ibang event din ang ginanap sa beach
front na nagresulta ng pagtambak ng mga naiwang basura lalong lalo na ang mga
bote ng alak.
Samantala, siniguro naman ng BFI na hindi na mauulit ang
nangyari kung saan maging ang LGU Malay ay naalarma tungkol dito.
No comments:
Post a Comment