Posted June 12, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay
Ito ang sinabi ni Malay Local Government Operations
Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes kaugnay sa kanilang isinagawang inspection
sa mga paaralan at iba pang gusali bilang preparasyon sa pagpasok ng Habagat
Season sa bansa.
Ayon kay Delos Reyes, layunin umano nitong matiyak ang
kaligtasan ng mga residente sakaling may dumating na malakas na bagyo.
Samantala, sinabi naman ng DILG Malay na patapos na
rin ang kanilang isinasagawang mga evaluation sa iba pang mga gusali sa buong
bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.
Kasama umano nilang nag-iinspekyon dito ang
Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGUs) at National
Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Nabatid na nagsimula ang nasabing inspeksyon nitong
nakaraang linggo.
No comments:
Post a Comment