Posted June 13, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Naka half-mast ngayon ang tatlong bandila ng
Boracay Crown Regency dahil sa pagpaslang kay Richard King.
Naging usap-usapan din sa isla ang nangyaring pagpaslang
na patuloy namang iniimbistigahan ng mga otoridad.
Ayon sa report, nasa isang closing ceremony ng isa
sa kanyang business ventures sa Davao si King nang mangyari ang insidente.
Nasa ground floor ng isang gusali si King at nanghahapunan
kasama ang kanyang mga empleyado at mga partisipante sa nasabing okasyon nang
pumasok ang salarin at paulanan ito ng bala.
Nagtamo ng multiple gun shoot wounds si King na
kaagad nitong ikinamatay.
Ayon pa sa report, mabilis ding tumakas ang suspek
sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasama nitong naghihintay sa labas ng
gusali.
Kaugnay sa negosyo ang tinitingnang anggulo ng
pagpatay kay King.
Nabatid na walang CCTV sa gusali at wala ring
security guard na nakaduty nang mangyari ang pamamaril.
No comments:
Post a Comment