Posted
June 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isa ang dead on the spot habang sugatan ang isang barangay kapitan at
iba pa sa pamamaril sa Unidos, Nabas, Aklan kagabi.
Ayon kay SPO4 Crispin Calzado ng Nabas PNP, kaagad binawian ng buhay ang
biktimang si Ropel Berondo 36 anyos, matapos tamaan ng bala sa mukha.
Sugatan din ang kapatid nitong si Unidos Barangay Captain Dante
Berondo, 46 anyos, Victor Velasco, 42 anyos, Joel Sajise, 44 anyos, Lhar EJ
Sajise, 12 anyos, Lester Yvan Sajise, 14 anyos, pawang mga residente ng
nasabing lugar.
Base sa imbistigasyon, naglalaro sa isang bilyaran doon ang mga biktima
nang dumating ang suspek na si Johnson Columbres at pamangkin nito, at walang
habas na nagpaputok ng baril.
Kaagad namang tumawag ng SOCO o Scene of the Crime Operatives ang Nabas
PNP kung saan narekober ang sampung basyo ng armalite rifle at isang bala ng
shotgun.
Samantala, dinala naman sa isang punerarya ang bangkay ni Ropel para sa
isang autopsy examination habang isang manhunt operation ang ikinasa ng mga
kapulisan upang mahuli ang suspek.
Inaalam naman ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril.
No comments:
Post a Comment