Posted
June 10, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Konkreto na solusyon pa rin ang hiling ng mga stakeholders mula sa mga
taga National Grid Corporation of the Philippines at Aklan Electric
Cooperative.
Ito’y bunsod pa rin sa mga nararanasang suliranin patungkol sa suplay
ng kuryente sa Isla ng Boracay at buong probinsya ng Aklan.
Sa ginanap na General Membership Meeting ng Boracay Foundation Inc.
kung saan panauhin si NGCP Distrcict 4 Head Operation Maintenance Rey Jaleco.
Inamin nito na bagamat naayos at kumpleto na ang linya para sa 138KV
mula sa Dingle-Panit-an transmission line ,ay hindi pa rin nito matiyak kung
magiging normal na ang daloy ng suplay ng kuryente sa probinsya.
Wala pa umano kasing timeline ang NGCP para sa pagsaayos sa mahigit
isang daan at tatlumpong towers nito na sinira ng bagyong Yolanda.
Sa kanyang pagtantya ay aabutin pa ng dalawang taon para muli itong
maitayo.
Sa ngayon ay mga maliliit at temporaryong towers muna ang itinayo para
may madaanan ang kawad ng kureyente subalit nagka-problema din dahilsa issue ng
“Right of Way”.
Sa panig ng naman ng BFI o Boracay Foundation Incorporaetd, hindi sa
kanila malinaw kung sino ang may responsibilidad sa mga nararanasang brown-out
dahil mistulang nagtuturuan ang supplier na NGCP at ang kooperatiba ng
naghahatid ng kuryente na AKELCO.
Hiling naman ni BFI President Dionisio Salme nadapat ay may paghahanda
at solusyon ang NGCP kaakibat sa sumisigla at lumalaking industriya ng turismo
sa Boracay.
No comments:
Post a Comment