Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay
Island Fire Protection Unit (BISPU) sa nangyaring sunog kagabi sa Brgy. Balabag
isla ng Boracay.
Ayon kay Boracay Fire Officer 1 John Henry Eldeza,
aabutin pa ng isang linggo ang kanilang gagawing imbestigasyon para matukoy ang
pinagmulan ng sunog.
Nabatid na isang tindahaan ng gulay at prutas ang natupok
ng apoy bandang alas-10: 30 kagabi na pagmamay-ari ni Joleto Danieles ng Sitio.
Lugatan Manocmanoc.
Aniya, yari umano ito sa light materials kung saan
bahagya ding naapektuhan ang katabi nitong establisyemento na yari din sa light
materials at tindahan ng ukay-ukay.
Tinatayang umabot din umano sa sampung libong peso ang
pinsala ng sunog sa kanilang ginawang imbestigasyon.
Samantala, malaking bagay din aniya ang ginawang
pagrespondi ng mga fire trucks mula sa grupo ni Commodore Tirol gayon din ang
Boracay Island Water Company (BIWC) para agad masugpo ang apoy.
Muli namang pinaalalahanan ng Boracay Fire Protection
Unit ang mga residente sa isla na mag-doble ingat sa sunog lalo na at muli na
naman itong nangyayari ng sunod-sunod.
No comments:
Post a Comment