Posted May 31, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala paring tugon ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
at Provincial Assessor’s Office sa ipinadalang sulat ng BFI kaugnay sa
re-position letter ng Base Market Value.
Ito ang kinumpirma ni BFI Executive Director Pia
Miraflores.
Anya, mahigit isang buwan na umano ang nakakalipas
matapos nilang maipadala ang nasabing sulat sa mga kinauukulan upang mabigyan
ulit ito ng linaw.
Gayunpaman, ipinahayag ni Miraflores na umano ang BFI
kung isang daang porsyento lang ang itaaas ng buwis at hindi tatlong daang
porsyento dahil masyado na umano itong malaki.
Nabatid na umabot sa 200 hanggang 300 porsiyento ang
buwis na babayaran ng mga real property owners sa Boracay at Malay, dahil
pansamantalang isinantabi ng pamahalaang probinsyal sa loob ng siyam na taon
ang General Revision ng Base Market Values, sanhi ng mga nagdaang kalamidad sa
Aklan.
Samantala, umaasa naman ang Boracay Foundation
Incorporated (BFI) na agad na masasagot ang kaniling hinaing.
No comments:
Post a Comment