Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sunod-sunod na umalingaw-ngaw ang sasakyan ng Boracay
Fire Protection Unit kagabi para rumispondi sa nangyaring sunog sa Mainroad ng
Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.
Basi sa report ng BFP Boracay, nakatanggap sila ng tawag
mula sa isang concerned citizen kung saan ini-imporma sila na mayroong
nagaganap na sunog sa nasabing lugar.
Napag-alaman na isang tindahan ng gulay at prutas ang
natupok doon kung saan yari sa light materials ang ilang bahagi nito.
Sa ngayon wala pang makuhang dahilan ang BFP kung saan
nagmula ang pinangyarihan ng sunog na nagresulta ng pagkatupok ng tindahan.
Patuloy naman ngayon ang ginagawang follow-up investigation
ng Boracay Fire Protection Unit tungkol sa nangyaring sunog at kung magkano ang
pinsalang idinulot nito.
No comments:
Post a Comment